"Ang arte naman ng babaeng ito," bulong ni Ellaine kay Leona, "sampalin ko kaya to?""Wag, buntis yan. Isa pa, hindi namin matutupad ang plano namin na mabawi ang lahat sa kanya kapag may nangyarig hindi maganda diyan." bulong ni Leona, "Hayaan mo na lang muna siyang mag inarte ngayon. Babagsak din naman siya.""Hindi ko matiis. Kita mo nga ha, sa akin dapat naghahabol ang Edward na yan, pero ano? nasa kanya, at yung si Josh, na kanino naman? nasa kaibigan niya, nakakainis!" asar na asar na sabi ni Ellaine."Kasal na sila.." maiksing sagot ni Leona kay Ellaine."Ha?" nagulat si Ellaine ng marinig iyon, "totoo ba?""Oo, totoo.. nito lang nakaraang linggo namin nalaman. Ang problema, nakuha nila ang malaking shares ng kumpanya at nademote si Caleb bilang isang executives na lang," sagot ni Leona. "Kailangan, bawiin muna namin ang lahat, kaya nagtitiis muna ako ng mahabang panahon, ayokong magpadalus dalos..""Okay lang, sayo, sa akin, hindi. Bakit naman siya pakakasalan ni Edward. Isa p
Lumabas si Hannah ng elevator, ang mga hakbang niya ay may bagong liwanag. Parang isang mabigat na kurtina ang naalis sa kanyang balikat, iniwan ang isang pakiramdam ng kalayaan at kapayapaan. Nang makarating sa kanyang opisina, sinalubong siya ng kanyang sekretarya, si Allheyn, na may nag-aalalang mukha."Ma'am, okay lang po ba kayo? Mukhang pagod na pagod po kayo," anito, "gusto niyo po ba ng kape or juice?"Ngumiti si Hannah, isang tunay na ngiti na matagal na niyang hindi nararamdaman. "Okay lang ako, Allheyn, salamat sa pag aalala. Pahingi na lang ako ng juice, nakalimutan mong bawal sa akin ang kape, dahil buntis ako.""Oo nga po pala.." nakangiting sagot ni Allheyn, "sige po, kukunin ko na ang juice niyo.."Umupo siya sa kanyang swivel chair, at pinagmasdan ang tanawin mula sa kanyang malaking bintana. Ang lungsod ng Maynila ay nag-uumapaw sa buhay, isang kaibahan sa guho ng kanyang nakaraan. Naalala niya ang mga panahong puno ng luha at paghihirap, ang mga araw na ginugol niya
Bagsak na ang katawan ni Caleb ng muling makita ni Hannah sa opisina. Maayos na ang hitsura nito, pero namayat ng sobra."Hannah," nakangiti nitong bati sa kanya."Bakit?" tanong niya sa lalaki."Hannah, baka maaari tayong mag usap.." "Sorry, wala akong oras," sagot niya saka nagmamadaling sumakay ng elevator. Sinundan siya ni Caleb doon, at dahil nga maaga pa lang, sila lang ang tao sa elevator."Kumusta ka na?" tanong ng lalaki sa kanya."Maayos naman ako.." maiksi niyang sagot."Hannah, alam kong mahal mo pa rin ako, maaari naman tayong magbalikang muli. Iwanan mo na ang Edward na iyon, sumama ka na sakin.."pakiusap ni Caleb."Nasa iyo na ako noon. Buong buo, walang kahati.. niloko mo ko, binastos at ipinagpalit. Ngayong masaya na ako, buo na ako, nais mo na naman akong durugin? Napakahirap buuin ng piraso ng buhay ko, Caleb, kaya pwede ba, hayaan mo na akong mamuhay ng tahimik!" inis na sagot ni Hannah.Tahimik si Caleb sa loob ng elevator. Tila tinamaan siya sa bawat salitang
Dahil sa paniniwalang may alam si Miraflor, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Leona. Tumayo siya mula sa sofa, kinuha ang cellphone, at agad na nagpadala ng mensahe.--Hi Tita Mira, free ka ba today? Pwede ba tayong magkita kahit sandali lang? May gusto lang sana akong itanong tungkol kay Mommy.Hindi niya alam kung sasagutin siya ng babae. Matagal na rin mula noong huli silang nagkausap nang masinsinan. Abala siya sa mga ginagawa niya upang makumbinsing bumalik si Hannah kay Caleb. Pero si Miraflor ay hindi basta-basta tinatanggihan si Romina, ang kanyang ina, kaya may pag-asang bibigyan siya nito ng oras dahil tungkol sa kanyang ina ang pag uusapan nila.. Habang naghihintay ng sagot, nilakad niya ang buong bahay, pabalik-balik sa sala at kusina, para bang doon niya makikita ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan niya.Ilang minuto pa lang ang lumipas ay nag-vibrate ang kanyang telepono.---Sure, Leona. Nandito ako ngayon sa café malapit sa Lumina Residences. Punta ka kung
Biglang nag-isip si Leona. Hindi kaya, may iba na rin ang kanyang ina kaya ganoon ito magsalita? Kaya ayaw na nito sa kanyang tatay?Subalit paano naman iyon mangyayari? Wala naman siyang nakikitang ibang kumakalantari dito. Sa buong panahon na magkakasama sila sa bahay, si Romina ay tila abala lang sa negosyo, sa mga charity, at sa pagpapaganda. Ni minsan, hindi niya ito nakita na may kahina-hinalang kausap sa telepono, o may binabanggit na lalaki sa kanyang mga kwento.Ngunit kung totoo ngang may kinikimkim ang ina, napakahusay nitong magtago. At kung ganoon, baka mas matindi pa ito kaysa sa inaakala niya.Kayang maglihim ng kanyang ina sa kanya ng ganoon katindi at hindi man lang niya ito napansin?Mahina ba ng kanyang radar?Kahit ang kanyang ama, hindi din niya malaman kung paano ito nakaisip makipaghiwalay sa kanyang ina, gayung nakikita naman niyang maayos ang relasyon ng dalawa?Ang ganitong bagay ay hindi biglaang disisyon lang. Malamang, matagal na nila itong pinagpaplanuhan
"SAAN KA GALING?!" galit na tanong ni Miraflor sa kanyang anak. Sa loob ng ilang linggo, muling bumalik si Caleb sa kanilang bahay, bitbit ang payat na katawan at sugatang puso."Ma, wag niyo muna akong pagalitan ngayon, pagod ako.." mahina niyang tugon."Pagod? saan ka napagod ha? Ano? nakalapit ka ba kay Hannah? napiulit mo ba siyang bumalik sayo? sana naman, may maganda kang balita. Ginagawa na namin ni Leona ang lahat kahit nasasaktan lang si Leona, para lang mapagbigyan ka..""Mapagbigyan ako, o magawa ang plano niyo?" sagot niya sa kanyang ina."Pareho na din yun. Tandaan mo, ginagawa namin ang lahat ng ito para mabawi ang nawala sa atin. Kapag nakuha na muli natin ang kapangyarihan sa International Trading Company, maaari na ulit nating dispatsahin ang babaeng iyon at--" isang lagapak ng pinto ang narinig ni Miraflor."Lintik na to!" inis na sabi niya, "Hoy, Caleb, napakawalanghiya mo talagang anak! bastos!" pagtutungayaw niya. "Napakawalang utang na loob ng batang ito!"Biglan