ELODIEDumadagungdong na ingay ang maririnig sa labas, nanginig ang bahay at ang hawak kong baso ay nahulog sa sahig at nabasag. Ang una kong naisip ay lindol, nagtago ako sa ilalim ng kitchen counter habang sinisiguro na ligtas ako. Isa pang malakas na ingay ang maririnig sa labas at nanginig ulit ang bahay. Natakot ako, nanikip ang aking dibdib.Naramdaman ko ang tensyon sa mga balikat ko at tumiklop ang sikmura ko. “Oh, Ellie! Lumabas ka dyan kung asan ka man nagtatago!” Nanigas ako, Diyos ko, hindi ito lindol, mas malala pa. Ang demonyo mismo ay naparito para sa akin. Narinig ba niya ang tungkol sa paninisi ko sa anak niya dahil sa ginawa niya at naparito para maghiganti?Isa na namang malakas na ingay ang maririnig, sigawan at at nasusunog na laman ang maaamoy sa paligid. Basag ang mga bintana sa harap. Umalis ako mula sa pinagtataguan ko at tumayo. Naamoy ko ang nasusunog na laman. “Lumabas ka na, Ellie, hindi mo naman siguro gustong mas marami pang inosenteng mga tao ang mama
Read more