Paghihiganti Pagkahiwalay

Paghihiganti Pagkahiwalay

By:  Black RoseUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
100Chapters
8.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Naging kalaban ni Olivia ang kanyang best friend na si Sandra, siniraan siya sa kanyang asawa, kinumbinsi ang asawa niya na siya ang dahilan kung bakit siya nahulog at naging dahilan para makunan siya, nagnanakaw si Sandra sa kanya ng ilang buwan na at pinagbintangan si Olivia. Bukod pa dito, na si Olivia ay lihim na umiinom ng prevention pills dahil ayaw niyang magkaanak kay Nick. Kinumbinsi niya na si Olivia ay inlove pa din sa kanyang high school sweetheart, na si Marcus. Dahil sa galit, ipinadala ni Nick ang asawa niya sa kulungan at nag move-on na kasama ang best friend ng kanyang asawa, si Sandra. Tatagal ba ang relasyon nila, maghihiganti ba si Olivia at babawiin ang kanyang asawa?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

OLIVIA

Umaasa ako na maagang uuwi si Nick ngayon. Hindi siya masyadong umuuwi simula ng magtrabaho siya kasama ang aking bestfriend na si Sandra. Hectic sa opisina, pero umaasa pa din ako na magiging iba ngayon, dahil ika-apat na anibersaryo namin. May malaki din akong balita; buntis na din ako sawakas, at magkakaroon na kami ng pamilya na matagal na naming pinapangarap.

Hindi ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag sinabi ko na, hindi ko rin gusto isipin ang reaksyon ng biyenan kong babae—siguradong matutuwa siya. Tatawagan ko sila at sasabihan kapag nasabi ko na kay Nick. Sigurado ako na tatapusin nila agad ang kanilang lakad kapag narinig nila ang balita tungkol sa pagdadalantao ko.

Humuni ako habang nagluluto sa kusina. Masaya ako, kahit na alam kong hindi na pareho tulad ng dati ang namamagitan sa amin ni Nick. Umaasa ako na sana matapos marinig ang balita tungkol sa pagdadalantao ko, babalik siya sa pagiging lalaki na kung saan nahulog ang loob ko.

Noong inilagay ko ang huling plato sa hapagkainan, bumukas ang pinto sa harap. Nasabik ang puso ko, at nagmadali ako para batiin siya. Hinuhubad ni Nick ang jacket niya ng makarating ako sa kanya, pero hindi siya masayang makita ako. Ngumiti ako at binati pa din siya. “Magandang gabi, mahal ko,” sambit ko, pagkatapos niyakap ko siya habang pumasok naman si Sandra, nakangiti siya.

Bakit siya nandito? Sinabi ko sa kanya na anibersaryo namin ay gusto ko makasama si Nick ng kami lang.

“Sandra, nandito ka?” pinilit ko ngumiti.

Niyakap niya ako. “Oo, kaibigan. May mga kailangan pa kaming ayusin ni Nick, pero sinabi ko na tapusin namin ito dito.”

Sige. Kakausapin ko si Nick pagkatapos ng dinner, sa oras na wala na si Sandra.

“Ang pagkain ay nasa lamesa na. Kukunin ko na lang ang juice,” sambit ko.

Makalipas ang ilang sandali, nakaupo na kami sa hapagkainan. Napagdesisyunan ko na makipag-usap ng kaunti. “Nick, kumusta ang araw mo? Sana okay lang ang lahat at nagiging kalmado na sa opisina.

Sinulyapan niya ako. “Pinili mo na manatili sa bahay at asikasuhin ito. Bakit may pakielam ka sa trabaho ngayon? Wala ka na dapat pakielam.”

Nasaktan ako sa mga salita niya. Asawa ko siya, at naisip ko na may karapatan ako itanong kung kumusta ang araw niya.

“May regalo ako para sa iyo,” sambit ko, tumayo ako para kunin ito.

“Wala akong kailangan,” galit niyang sinabi. “Bakit ka umaarteng desperado ngayon?”

Nanlumo ang puso ko. Nakalimutan ba niya na anibersaryo namin? Kailan pa niya iyon nakalimutan, at kailan pa niya ako kinakausap ng ganito? Anong nangyari sa asawa ko? Palamig na siya ng palamig at nagiging malayo sa bawat araw na lumilipas. Naupo ako, pakiramdam ko nadurog ako.

“Sige na, Nick. Namimiss ka lang ni Olivia. Hindi ka naman niya gustong inisin,” sambit ni Sandra.

Bakit naisip niya na iniinis ko si Nick? Dahil ba sa mas malapit siya ngayon kay Nick kumpara sa akin? Dhil ba madalas silang magkasama sa trabaho at nagkaroon na sila ng koneksyon? Hindi dapat makagulo ang koneksyon nila sa pagsasama namin. Mahal pa din dapat ako ni Nick at mabuti ang trato sa akin. Pero mukhang hindi na ganoon.

Pinanood ko sila mag-usap na parang wala ako at hindi nila kasama. Mas ngumingiti si Nick sa kanya, ang hinhin sa ugali niya ay bagay na matagal ko ng hindi nakikita. Nasaktan ang puso ko. Ang lambing at hinhin niya ay dapat para sa akin.

Natapos ang dinner, at sinabi ko, “Lilinisin ko na ang lamesa. Tapos na ba kayo pareho?”

Hindi man lang ako tinignan ni Nick. Itinulak niya ang plato niya palapit sa akin, habang nakafocus kay Sandra. Napahawak ako sa tiyan ko, hinimas ko ito. Oh, baby, hindi pa handa ang ama mo marinig ang tugnkol sa iyo. Pero sasabihin ko din sa kanya. Pangako, magiging masaya siya kapag nandito ka na din sawakas.

Bago ko nilisan ang kuwarto, sinabi ni Sandra, “Ay, gusto mo ba na tulungan kita sa paglilinis ng lamesa?”

Hindi ako sumagot, kinuha ko na lang ang mga plato at pumunta sa kusina. Sa oras na nailagay ko na ito sa lababo, hinawakan ko ng mahigpit ang gilid nito at sinubukan pakalmahin ang aking sarili para pigilan ang aking mga luha.

Sinundan ako ni Sandra. “Sarap ba sa pakiramdam, ano?” tanong niya, mayabang ang tono niya.

Humarap ako sa kanya, naguguluhan ako. “Anong sinasabi mo?”

Ngumisi siya, lumapit pa sa akin. “Ang malaman na wala ng pakielam sa iyo ang asawa mo. Ang malaman na nawawala na siya sa iyo at napupunta na… sa akin.”

Nakaramdam ako ng galit sa mga salita niya. “Sandra, ikaw—”

“Aaah, Olivia! Anong ginagawa mo?” sigaw niya, at humandusay siya sa sahig.

Nakatayo ako doon, nanigas ako at nakatitig sa kanya. Anong ginagawa ko? Anong ginagawa niya? Iyon ang tanong.

Nagmamadaling pumasok si Nick, agad na pumunta sa tabi niya.

Tinitigan niya ako ng masama. “Anong ginawa mo?”

“Wala… wala akong ginawa!” nautal ako, naguguluhan akong tunay. Ano ba ang nangyayari? Malinaw na pag-arte ito ni Sandra.

“Nick… oh, Nick… may dugo. Mawawala na ang baby ko!” iyak ni Sandra.

Napahinga ako ng malalim. Baby? Anong baby?

Binuhat siya ni Nick at nagmadali palabas ng buhat siya sa kanyang mga bisig. Sinundan ko sila, pero humarap siya sa akin, kita sa mukha niya na puno ito ng galit na naging dahilan para mapatigil ako. “Hindi pa ba sapat ang ginawa mo? Ngayon pati siya pinupuntirya mo? Magdasal ka na hindi mawala ang baby niya, kung hindi pagbabayaran mo ang lahat ang ginawa mo!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Analyn Bermudez
hinanap ko kung sino author nito Ang Ganda kaso Ang gulo...diko Siya type dahil nagpakasal c Olivia Kay Marcus Dina natapos paghihiganti nakakastress...English ung Nakita ko NASA 350 plus chapter na Siya..
2025-05-25 20:17:23
0
user avatar
Analyn Bermudez
Ang Ganda....kaso parang busy SI Ms Author
2025-05-25 19:50:36
0
user avatar
Lea angela Perez
sana itulog to maganda siya
2025-05-03 11:49:44
0
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status