Larkin POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Naka-tap sa akin ang alarm ng 5:00 AM—hindi na kailangan ng snooze. Sanay na ang katawan ko. Parang automatic na rin na pagdilat ng mata ko, ang unang naririnig ko ay ang kaluskos ng mga dahon, huni ng ibon at ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa garden fountain.Sinuot ko lang ang itim kong jogger pants. Wala na akong shirt. Wala ring slippers. Barefoot ako palagi kapag dito sa garden. Mas ramdam ko ang damo, ang lupa, ang simoy ng hangin.Stretching muna. Palms to the sky. Hinga ng malalim. Tapos stretch sa gilid, likod, balikat. Inikot ko leeg ko pakaliwa’t pakanan. Alam ko, simpleng routine lang ito para sa karamihan. Pero sa akin, ito na ang lifeline ko mula noong halos mabaliw ako sa mga pagsubok—nang mawala si Khaliyah, nang akalain kong wala na siyang buhay. Dito ako bumangon. Sa pagtakbo, sa pag-ehersisyo, sa disiplina.Unang ikot ko, dahan-dahan lang. Hindi ko kailangang magmadali. Steady pace. Tinatantsa ko ang tibok ng pus
Last Updated : 2025-06-29 Read more