Larkin POVAba’t grabe. Kung hindi ko lang narinig ‘yung usapan nina Khaliyah at ng mga kasambahay kanina sa kusina, malamang ay wala akong kaalam-alam sa inuulam ko.“Yung kay Sir Larkin po ang pinakamaaasim ha,” narinig kong sabi ng isang kasambahay habang abala sa paghihiwa ng labanos.“Oo, ‘yun ang utos ni ma’am Khaliyah. Para raw maparusahan ito,” dagdag pa ng kasamahan niya.Siyempre, dahil maaga ko silang nabuking, nag-isip din ako nang pangbalik na prank sa kanila.Kaya bago pa ko tuluyang umupo sa hapag tumingin-tingin na ako sa paligid. Sina Yanna at Rafe, kalmado, kahit nasa harap namin, sweet-sweet-an, habang si Khaliyah naman ay panay ang tingin sa mga kasambahay. Nakita ko pa na pataas-taas ang kilay niya, na para bang binibigyan ng hudyat ang mga kasambahay.Maya maya, isa-isa nang nilapag ang mga mangkok sa harap namin, huli pa nga ‘yung akin. Tinignan ko ang sabaw nung kanina, ibang-iba ang sa akin.Nung una, siyempre, sumasakay ako sa pakulo ni Khaliyah, nagsasabi ak
Last Updated : 2025-07-06 Read more