THEA FAITH“Sa bahay na kayo mag-dinner mamaya. Okay lang ba na isama ko na ang mag-ina mo?” tanong ng mother in-law ko sa asawa ko.“Sasama ba kayo?” tanong ni Noah sa amin.“Oo,” walang pagdadalawang isip na sagot ko sa kanya.“Sure ka?”“Opo, sure na sure ako. Doon na lang tayo mag-dinner, hindi maganda na tumanggi ka,” sabi ko sa kanya.“Okay, pero tawag ka agad sa akin kapag may ginawa sa ‘yo si mommy,” sabi niya sa akin.“Opo, tatawag agad ako. Masyado ka namang nag-aalala,” sabi ko sa kanya.“Kasi nga–”“Bakit nagbubulungan kayong dalawa d’yan?” tanong sa amin ng mommy niya.“Wala po, mom.” sagot ng asawa ko.“Sasama ba kayo, Thea?” tanong sa akin ng mother in-law ko.“Opo, mommy. Sasama po kaming dalawa ni Elli,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Okay, tara na. Hayaan na lang natin si Noah dito.”Kumapit sa kamay ko ang matanda na ikinagulat ko.“Alalayan mo ako, napapagod na ako sa kakalakad,” sabi niya sa akin.“Dito po ako sa kabila, grandma.” sabi ni Elli at hinawakan niya a
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya