THEA FAITH“Mom, hindi ka nagsabi ba pupunta ka pala. Sorry magulo ang kusina namin,” sabi ng asawa ko.“Hindi ba sinabi ni Thea?”“Ang alin, mom?”“Na nandito ako kanina,” sagot niya na dahilan para kumunot ang noo ng asawa ko.“Pumunta ka dito kanina? Bakit po?” tanong niya sa mommy niya pero sa akin siya nakatingin.“Nag-usap lang kami ni Thea, kanina lang kami nakapag-usap ng maayos.” sabi niya na talagang gusto niyang malaman ng anak niya ang tungkol sa nangyari kanina.“Okay ka lang, love?” tanong agad sa akin ng asawa ko.“Ang OA mo naman, son. Mukha bang hindi siya okay? Hindi naman ako nangangagat, wala akong ginawa sa kanya,” sabi pa ng ginang.“Okay lang ako, nag-usap lang naman kaming dalawa–”“Bakit hindi mo sabihin kung ano ang pinag-usapan natin?” sabi pa niya kaya nakatingin lang ako sa kanya.Tumingin rin ako sa asawa ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa harap ni Elli ang tungkol doon. Saka hindi naman nakakatuwa ang sinabi niya sa akin. Kaya bakit gusto pa niya
Terakhir Diperbarui : 2025-05-29 Baca selengkapnya