PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAKAPAMILI at muli kaming nakabalik ng bahay ng matiwasay. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pero kailangan kong tumulong sa pag-aayos ng mga pinang-grocery namin. Ang mga binili ko na mga personal kong mga pangangailangan ay tsaka ko na lang aayusin. "Siya nga pala Amber, Ruby. Bukas, try nating pumunta sa School para makapag enroll na tayo. Next month, pasukan na at excited na ako." nakangiting wika ni Sapphire sa aming dalawa ni Ruby. Sabay na din kaming tumango. Kinabukasan maaga pa lang nakaligo na ako. Balak ko din sanang magluto ng aming breakfast pero pagbaba ko ng kusina, naabautan ko si Ruby na abala na sa pagluluto. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nasa wall at nang mapansin ko na halos alas sais pa lang ng umaga, hindi ko tuloy maiwasan na magtaka. "Ehemmm, Good Morning! Ang aga mo naman gumising, Ruby?" nagtataka kong tanong. Mabilis naman siyang pumihit paharap sa akin. "Good Morning din sa iyo, Amber. Oo eh...namamahay k
Last Updated : 2025-04-21 Read more