**Olivia** Habang sinusubuan ko si Shaun ng kanin, ramdam na ramdam ko naman ang mainit, maingat, at seryosong mga tingin ni Segundo sa amin. Tila ba napilitan siyang panoorin ang isang nakababagot at hindi niya gusto na palabas. Nanatili siya sa kinaroroonan niya kanina, nakahalukipkip pa rin, at tanging ang pagkunot ng noo niya ang nagpapakita ng kanyang nararamdaman. “Tito Shaun, kailan tayo maglalaro ng soccer?” tanong ng bata. Nasa likuran ko siya, nakadikit sa akin, na parang isang munting anino. “Kapag nakalakad na ako uli, Flynn,” tugon ni Shaun sa bata. “Kailan po iyon, Tito Shaun? Ang tagal naman. Nami-miss ko na po ang maglaro ng soccer kasama ka. Palagi na lang si Daddy ang kalaro ko. Next time, gusto kong maglaro kasama kayong dalawa,” sagot ng bata. “Very soon, baby. Alam kong makakalakad rin ako uli, at makakapaglaro rin tayo ng soccer,” may paniniwala at positibong tugon ni Shaun. Napangiti naman ako sa usapan nila bago ko muli siyang sinubuan ng kanin. Napalingo
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-05 อ่านเพิ่มเติม