**Olivia** “What are you doing, Shaun?” seryoso kong tanong nang bigla na lamang siyang maglabas ng isang maliit na pulang kahon habang nakaharap sa akin. Agad akong naramdaman ng matinding kaba. Narito kami sa gitna ng grand hall ng Cameron Grand Hotel, ang lugar na puno ng kristal na chandelier, marble floors, at mamahaling dekorasyon. Ipinagdiriwang ang birthday niya, at napapalibutan kami ng mga prominenteng bisita, mga kaibigan ng pamilya, business partners, at mga taong may pangalan at impluwensiya. Sa sandaling iyon, ramdam ko na ang lahat ng mata ay nakatutok na sa amin. Parang biglang lumiit ang mundo ko at kami na lamang ang naiwan sa gitna ng napakalawak na bulwagan. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. Bumungad ang isang napakamahal na singsing, isang rare-cut diamond ring, humigit-kumulang walong karats, na nakalagay sa platinum band, ang uri ng singsing na hindi basta-basta ibinibigay, kundi simbolo ng yaman at kapangyarihan. “Carmen,” malumanay ngunit puno ng det
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-20 อ่านเพิ่มเติม