**Segundo** “Congratulations, John. I am so proud of you, my son,” bati sa akin ni Mommy nang makita niya ang resulta sa notification sa phone ko na nagsasabing isa ako sa may highest Latin honors para sa paparating na graduation day. Kita ko sa mga mata niya ang matinding saya at pagmamalaki. Mahigpit niya akong niyakap, at hindi ko rin napigilang gumanti ng yakap, ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal niya bilang isang ina. “Thank you, Mom,” ani ko, bahagyang nanginginig ang boses ko dahil sa emosyon. Lumapit naman ako kay Dad at nagyakapan din kami. Hindi siya madaldal pagdating sa emosyon, pero sapat na ang titig niya para malaman kong proud na proud siya sa akin. “Congrats. You made it,” sabi niya, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan. Hindi rin maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Sunod naman akong niyakap nina Ruby at Sapphire. Pareho nilang hinigpitan ang yakap. Ramdam na ramdam ko ang suporta at pagmamalaki nila sa akin bilang kapatid. “Sobra kaming p
Last Updated : 2025-12-22 Read more