“Sorry… dahil inilihim ko na nagkaroon tayo ng anak. Pasensya na rin, dahil kahit nakita kitang yakap-yakap mo si Flynn, hindi ko pa rin magawang baguhin ang isip ko. Hindi ko pa rin ipapakilala sa iyo si Flynn bilang anak mo,” sabi ko sa hangin bago ko tuluyang paandarin ang makina. Kailangang ako ang maunang lumabas. Pagkalabas ko ng gate, biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Shaun—tumatawag. Pagkasagot ko ng tawag, agad siyang nagsalita. “Hey, babe, sorry. Hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Napilit ako ni Trent na sumali sa karera. Kasalanan talaga ito ni Trent. Pasensya na, babe. Hindi na mauulit,” paliwanag niya sa akin, bahagyang hingal ang boses. “Oii! Sinisi mo pa ako, g*go ka!” dinig kong sigaw ni Trent sa kabilang linya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. “Don’t call me ‘babe,’ Shaun,” malamig kong sabi, pinapaalala sa kanya na ‘walang kami’. Bigla siyang natahimik sa kabilang linya. “Bakit hindi mo sinabi na kasama mo pala siya?” tanong ko, tinutukoy si Segund
Last Updated : 2025-10-26 Read more