THE BILLIONAIRE'S LONG LOST LOVE: ...."Alam ko. Dahil minsan ko ng naranasan iyan. At alam kong mahirap. Pero hindi ko akalain na ganito kita dadatnan. Dahil mas matibay ang loob mo sa akin. Mas matapang ka kaysa sa akin. Pero nandito ka ngayon. Nagmumukmok at unti unting sinisira ang buhay. Pero isipin mo sana, na hindi ito ang katapusan ng mundo. Kung umalis si Ellise, tanggapin mo. Hanapin mo o di kaya hintayin mo ang pagbabalik niya dahil hindi pang habang buhay na magtatago siya. Maliit lang ang mundo. Hindi man ngayon o bukas mo siya makikita, maraming bukas pa na darating sa kasalukuyan at sa mga bukas na iyon, magkikita pa rin kayo ni Ellise."Napatitig siya sa akin pero hindi naman sinagot ang mga sinabi ko. Kaya naman muli ko na lang dinagdagan ang mga sinasabi ko."Hindi ako magaling magpayo, pero sa mga sinabi ko ay sana magising ka na sa katutuhanan. At ayusin mo ang sarili mo.""You talked to much." Pabalang na sagot niya sa akin saka umayos ng upo. "Tidy up yourself.
Last Updated : 2025-09-22 Read more