Nakapulupot ang mga braso ko sa tuhod ko habang nakaupo sa sahig ng banyo. Bago pa man pumatak ang unang luha sa tiles, damang-dama ko na ang sakit sa dibdib. Akala ko kaya ko, akala ko matatag ako. Pero ngayong hawak ko sa kamay ang isang maliit na plastic stick na may dalawang guhit—para akong gumuho sa sarili kong katahimikan.Hindi ko na namalayang lumipas na pala ang ilang minuto. O oras ba?Pinilit kong bumangon, pero parang bigla na lamang naging mabigat ang lahat. Pati ang katawan ko, parang ayaw na akong buhatin. Hindi ko na rin namalayan kung paano ako nakarating sa sala, pero bago pa man ako makaupo nang maayos, tumulo na naman ang luha ko.“Lucian…” mahinang bulong ko. “Bakit ngayon pa?”Dahil kahit gaano ko pilit limutin, siya pa rin ang laman ng isip ko.Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo. Agad kong tinakpan ang mukha ko, pero huli na. Nakatayo si Wade sa may pintuan, hawak ang grocery bags, at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla. Kasunod ng kaba,
Last Updated : 2025-07-09 Read more