Tulad ng sinabi ni Seb, di siya nakauwi nang ilang araw sa amin sa Laguna, pero palagi siyang tumatawag at nag-video call sa amin ni Eros. Pero pansin ko na tila balisa siya at parang may gumugulo sa isip ni Seb habang kausap namin siya. Hindi rin siya makatingin sa aking mga mata tuwing magkausap kami sa video call."I'll call again kapag may time." Sabi niya habang kausap si Eros."Tatay, kailan ka po uuwi? Miss na po kita. Hindi na po tayo nakakapaglaro." Malambing na saad ni Eros kay Seb. Ngumiti naman si Seb sa anak."Soon, Eros… uuwi rin si Tatay…" —sagot nito."Sinabi nyo na po yan nung nakaraan Tatay.. pero di naman kayo nauwi.." Nagtatampong sagot ni Eros sa kay Seb. Ngumiti naman ako kay Eros."Uuwi din si Tatay Eros, wag ka magtampo." pag-aalo ko dito, tumango si Eros sa akin."Sige na Anak, pumunta ka muna a kusina at kumain ng meryenda mo." sabi ko dito, agad naman sumunod sa utos ko si Eros. Pag-alis ni Eros, tumingin ako kay Seb."Sana naman tuparin mo pangako mo sa bat
Read more