Inayos ko muna ang gamit ng anak ko bago ko ayusin ang gamit ko, tanging mga gamit na dala namin mula laguna ang inempake ko, iniwan ko ang mga gamit na galing sa pamilya nila dahil hindi naman sa amin iyon."Nanay, uuwi na po tayo ng Laguna?"-Bumaling ako sa kanya at ngumiti."Oo anak, at tsaka kailangan mo na mag enrol para sa pasukan."-Sabi ko dito. Lumapad naman lalo ang ngiti niya."Yehey!!"-Tuwang tuwa niyang sabi. Napangiti naman ako sa reaksyon ng anak ko, kung alam ko na ganito lang din pala ang mangyayari sa amin ay hindi na sana kami tumungo dito.Naputol ang usapan namin ng may kumatok sa pinto. Bumukas ito at pumasok ang Mama ni Seb."Emily.. talaga bang aalis na kayo?"-Malungkot na tanong nito sa amin."Opo, sana po maintindihan niyo, para na din po ito sa ikabubuti ng lahat."-Sabi ko."Hindi ba pwedeng dumito na muna kayo kahit ilang linggo lang, aayusin ko ito. I promise that this won't happen again."-Sabi nito. Umiling naman ako."Hindi na po. Ayaw ko po na dumating a
Last Updated : 2025-03-18 Read more