Pilit kong iniwaksi ang mga sinabi ng babaeng kararating lang, itinuon ko ang aking atensyin kay Eros na ngayon ay nasa harap ko."Eros Sebastian., hindi ko gusto ang inasta mo sa harap ng Tatay mo."-Sabi ko dito. Tumungo lamang."Hindi dapat ganon anak, Tatay mo pa din iyon,"-Sabi ko dito. Umiling iling lang siya."Pero bad siya Nay, hinid niya naman tayo mahal e."-Mahina nitong sabi. Hinawakan ako ang mga kamay niya."Anak, mahal ka ni Tatay, hindi mo ba nakikita na bumabawi siya sa iyo? Mahal ka nya kaya nga pinipilit niyang mapalapit sa iyo,"-Sabi ko. Tumingin ito sa akin."Pero gusto ko na mahal ka din niya 'Nay, dapat mahal ka din niya kasi ikaw Nanay ko, asawa mo siya, ganon yung sabi ng Nanay ni Jek, yung kaklase ko, kasi pamilya sila kaya dapat mahal ka din niya."-Sabi pa nito, ngumiti ako sa kanya."Anak, hindi importante kung mahal o hindi ako ng Tatay, ang importante ay mahal ka niya, bigyan mo siya ng pagkakataon na makasama at makilala ka, gusto ka niyang makasama, Eros
Last Updated : 2025-03-17 Read more