Day 0235—FEBRUARY 10, 2024—EARLIER; AFTER CHESKA'S EXAM "Eka, uuwi ka na ba? Ang tagal mo nang hindi sumasabay sa amin—bala gusto mong sumabay ngayon?" Napangiti si Cheska habang nagliligpit ng mga gamit niya. Ilalagay sa loob ng tote bag nito. "Pasensya na Rona, next time na lang siguro. May pupuntahan pa kasi akong kasal, eh!" "Ganoon ba? Teka! Susunduin ka ba ng jowa mo? Ang tagal na namin hindi siya nakikita." Si Mae. "Busy 'yon. Hindi 'yon magsusundo sa akin ngayon. Um-attend ng kasal ng kapatid niya—doon din punta ko." "Sana all! Eka, ano'ng pakiramdam na nasa mayayaman na angkan ka na? Ano'ng pakiramdam na maging jowa ng mayaman?" Si Rona. "Normal lang naman. Wala naman pinagkaiba—" "Ang pinagkaiba talaga diyan; makukuha mo lahat ng gusto mo! Sus! Kumusta naman ang diamond ring natin diyan? Akala mo ba hindi namin nakita na isuot mo iyon?" Si Mae. Napangiti si Cheska. "Tinago ko na. Mahirap na mawala," saka isinukbit ang tote bag sa balikat. "Sige na—mauuna na
Terakhir Diperbarui : 2025-05-22 Baca selengkapnya