Day 250—FEBRUARY 25, 2024 Sampung araw na ang nakalipas nang mangyari ang sa pagitan nina Cheska at Xavier—huling pagkikita. Bumalik ng San Juan ang dalaga upang doon na pumerme sa kanilang pamamahay. Sampung araw na din na hindi lumalabas ng kwarto ang dalaga; mukto ang mata dahil sa kakaiyak, walang ganang kumain, at gusto na lang matulog buong araw. Pumasok ang tatlong kapatid; nauna si Miko, sumunod naman si balong, at si Mika panghuli. "Ate Eka? Kumain ka na." Malambing na salita si Miko. Lumapit sa gilid ng kama. "Ate Eka, nagluto si Mama Agnes ng paborito nating ginataang monggo na may dilis." Saad naman ni Balong. Lumingon sina Miko at Balong sa nakatatanda nilang kapatid na si Mika. Sunod-sunod na umiling ang mga bata—maging si Mika ay nakabuntong hininga na rin. "Hayaan na muna natin si Ate Eka—masama pakiramdam niya, Miko—Balong." "Ha? Ilang araw na masama pakiramdam ni Ate Eka," nilingon ni Miko ang dalaga. "Ate Eka—buntis ka ba? Sabi kasi nang kaklase ko—pala
Terakhir Diperbarui : 2025-05-28 Baca selengkapnya