Day 290—APRIL 06, 2024 "Hon, can you please do me a favor? Come here for a second." Abala man sa pag-aayos ng mga gamit si Cheska, nagawa niya pa rin bigyan ng oras si Xavier. Abala din ang binata sa kanyang proyekto—maliban kay Cheska na may alam sa pagdedesinyo at lay-out—malaki ang naitutulong nito kay Xavier. "Ano ba 'yan? Kagabi mo pa iyan ginagawa—hindi pa rin natatapos? Bahay?" "Hmm! Look at this. Saan 'yung mas prefer mong lay-out?" "Mas maganda ito. Ang ganda ng court yard, then modern house talaga siya. Oh? Mas maganda kung palagyan ng koi pond sa area na iyan, then land scapes, right? Japanese bamboo? Pwede itanim diyan while may small swimming pool. About naman diyan sa loob—mas maganda ito—lipat mo diyan. Kung walang bata ang client mo, mas maganda 'yung ganyang hagdan at 'yung mga window ayos lang na glass." Nakapalumbaba si Xavier habang nakatitig kay Cheska na nagsasalita. Napangiti siya dahil bawat kilos ng dalaga ay sinusundan nito. Pinagmamasdan ang bawat
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya