CHAPTER 102: Mga Lihim sa Likod ng Salamin(Chase’s POV)Kinaumagahan, tumila na ang ulan, pero hindi pa rin humuhupa ang bigat sa dibdib ko.Pagpasok ko sa Donovan Enterprises, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng kape at papel — pero iba na ang pakiramdam ngayon.Habang naglalakad ako sa hallway, isa-isang bumabati ang mga empleyado.“Good morning, Sir Donovan!”“Welcome back, Sir!”Ngumiti lang ako at tumango. Pero sa bawat ngiti nila, hinahanap ng isip ko kung sino ang tunay — at sino ang nagtatago ng kutsilyo sa likod.Sa dulo ng hallway, sinalubong ako ni Ryan Carter.“Morning, boss,” bati niya, bitbit ang folder. “Narito na po ang updated report tungkol sa security breach kagabi.”Inabot ko iyon at binuklat habang naglalakad papunta sa opisina.“May nakitang kakaiba?” tanong ko.“Wala pa pong solid lead. Pero may kakaibang access sa network kagabi. Parang internal login.”Tumaas ang k
Terakhir Diperbarui : 2025-10-17 Baca selengkapnya