LILURA ÁSVALDR ODESSA-MAXIMILLIANO Napangiti ako ng makita ko ang sorpresa ni Val sakin, pinapunta niya ako sa isang hotel at nang makarating ako. Kitang kita ko ang napaka gandang set up. Puro kulay white and gold flowers sa paligid, “Flowers Mrs. Maximilliano..” wika ng babae at inabutan ako ng bulaklak nito. Ngumiti ako at kinuha ko ito, “Thank you, asan ang asawa ko?” Tanong ko dito. Natawa naman ito at tinuro ang likuran ko, hanggang unti-unting bumukas ang ilaw sa dadaanan ko. “Sundan niyo po ang ilaw dadalhin po kayo nyan kay Mr. Maximilliano..” nakangiting utos o paliwanag sa akin ng babae. Tumango ako at nag pasalamat ako dito. Sinunod ko ang utos nito at bawat lakad ko unti unti nagliliwanag ang buong paligid. Hanggang napa ngiti ako ng makarating ako sa isang fountain at nang umilaw ang bandang kaliwa ko nandito ang mga musician na biglang tumugtog. Ngayon ko lang narasan ang ganitong bagay, napa ngiti ako hanggang unti-unting pumatak ang luha ko. “Akyat po ka
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya