Well that’s flame natural nature haha walang bago.
LILURA ÁSVALDR ODESSA-MAXIMILLIANO Napangiti ako ng makita ko ang sorpresa ni Val sakin, pinapunta niya ako sa isang hotel at nang makarating ako. Kitang kita ko ang napaka gandang set up. Puro kulay white and gold flowers sa paligid, “Flowers Mrs. Maximilliano..” wika ng babae at inabutan ako ng bulaklak nito. Ngumiti ako at kinuha ko ito, “Thank you, asan ang asawa ko?” Tanong ko dito. Natawa naman ito at tinuro ang likuran ko, hanggang unti-unting bumukas ang ilaw sa dadaanan ko. “Sundan niyo po ang ilaw dadalhin po kayo nyan kay Mr. Maximilliano..” nakangiting utos o paliwanag sa akin ng babae. Tumango ako at nag pasalamat ako dito. Sinunod ko ang utos nito at bawat lakad ko unti unti nagliliwanag ang buong paligid. Hanggang napa ngiti ako ng makarating ako sa isang fountain at nang umilaw ang bandang kaliwa ko nandito ang mga musician na biglang tumugtog. Ngayon ko lang narasan ang ganitong bagay, napa ngiti ako hanggang unti-unting pumatak ang luha ko. “Akyat po k
NEVAN “SHADOW” SMITH Kasama ko si Val at ang iba dahil gusto ni Val na uminom sa labas, ngunit kanina ko pa nararamdaman na may taong kanina pa naka sunod sa amin. “Hey ano nangyayari sayo? Kanina ka pa hindi mapakali..” tanong ni Val sakin. Umiling ako at uminom ng whiskey. “Wala, pakiramdam ko lang kanina pa may naka sunod sa atin..” bulong ko. Hindi ko matukoy kung kalaban o hindi, pero palagay ko kalaban sa bigat ng presensya nito at tingin ko malapit lang ito sa akin. “Ito po sir ang another shot of whiskey..” wika ng bartender at nilabag ang isa pang whiskey. Nakita ko ang tattoo nito sa braso naka angat ang kulay puting manggas ng suot nito at doon naka marka ang isang tattoo. Ngunit dulo lang ang makikita, nilingon ko ang mga kaibigan ko at nakita ko na pag yuko ng lalaki na nag abot ng alak ngumisi ito. “Huwag niyo inumin ‘yan.” Utos ko na kina tigil ng mga kaibigan ko. “Huh? Huwag kang Kj par—“ hindi ko pinatapos si Stephano ng mag salita ako. “Saang assass
LILURA ÁSVALDR ODESSA -MAXIMILLIANO NAGING MAINGAY ANG NANGYARI kagabi, bawat mapuntahan ko na establishment ito ang naging bulungan at usapan. Hindi ako makapaniwala na ganito ka sikat si Boss Flame sa buong bansa kahit sa mga taga ibang bansa naging usapan ito. Nakatingin ako sa tv monitor dito sa aking opisina, sa ibaba ng screen ng tv ko. “The Heartless Destroyer is now Back..” basa ko dito. Ito na ang tawag talaga sa kanya miski noon pa. Nakaka mangha na imbes na magalit sa kanya ang mga tao, o ang mga lider ng mga bansa kina manghaan pa ito. Dahil sa kakayahan nito na hindi kailan mag patalo mas lalo sa mga dayuhan na pilit sasaktan ang pamilya niya. NANG MAG GABI naisipan ko bumili muna ng pasalubong para sa nga tao sa bahay ni Boss Flame. Dito muna kami tumutuloy ng mga kasama ko sa bahay, dahil sa hindi pa maayos ang mga nasira sa sarili kong bahay. Mas lalo ang mga semento na nadaplisan ng bala kaya naman kailangan pa ayusin hanggang bukas, kapag na ayos na saka
THIRD PERSON POV Kitang-kita ni Val ang asawa niya paano ito makipag laban, hindi ito marunong maawa at umatras. “Ngayon nakita mo ulit paano lumaban ang asawa mo..” wika ni Flame. Nanatili itong nakatalikod habang nakapikit ang mga mata nito. “Alam mo matulog kana kung inaantok kana, masama sa buntis ang pagpupuyat..” wika ni Damon sa kanyang pinsan. Ngunit hindi naman sumagot si Flame nanatili lang itong naka tayo. “Nakaka mangha na napaka galing niya lumaban..” naka ngiti ang asawa ni Lilura habang naka tingin sa asawa nito. “Ang asawa ko ang personal na nag turo sa kanya, dating Yakuza ang asawa ko at naka linya sila sa pagiging assassin dahil pinoprotektahan nila ang kanilang angkan..” paliwanag ni Flame. NGUNIT ANG AKALA ng lahat na tapos na. Sunod sunod na putok ng baril ang narinig nila, nang galing ito sa kalaban ngunit hindi nag papatalo si Lilura. Nag tago ito mula at kinuha na ang kanyang dalawang 45 caliber, naka tago ito sa ilalim ng drawer kung saan malapi
LILURA ÁSVALDR ODESSA- MAXIMILLIANO “Val, kailangan ko umuwi mamayang gabi..” agad kong paalam, bigla kasi itong nag aya na mag date sa labas, pumayag ako tutal wala naman akong gagawin ngayon. Nasa loob kami ng mall ngayon, dahil may bibilhin daw ito. “Yes i know Hon, no worries..” ngumiti ito sa akin kaya naman tumango ako. Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ni Val. “Hold on for two second..” wika nito at binitawan ang kamay ko. “Yes?” Sagot nito sa tawag hindi ko naman nakita kung sino ang kausap nito o ang pangalan man lang. “Okay pupunta ako..” sagot nito at binaba na agad ang tawag. “May emergency?” Tanong ko dito. Umiling agad ito. “No that’s nothing, about business lang naman..” sagot nito kaya tumango naman ako hindi na muling nag tanong. BUONG MAGHAPON KAMI NAG LAKAD at nag nanood ng kahit anong movie na maganda ngayon ni Val. This is our date, masaya ako dahil talagang pinaglaanan niya ako ang oras para mag workout ang kasal namin. Habang patungo kami sa
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO Napa lingon ako kay Boss Flame ng may tumawag sa cellphone nito. Natutulog ito sa sofa na hindi na lang namin ito pinalipat kasi talagang tulog na tulog ito. Ang asawa naman ni Boss ang nag luto, nakakatuwa kasi ang galing mag luto ni Boss Blake, sa kanilang dalawa mag asawa si Boss Blake ang mas magaling mag luto talaga kahit nag aral ng culinary si Boss Flame. Kaso sa estado ni Boss Flame ngayon, mas lalo at buntis ito napaka selan nito sa amoy kaya ayaw nitong nag luluto, ayaw din niyang mainit na paligid. Kaya kahit nilalamig na ako napakalakas ng aircon nila. “Matanong ko lang sino ba ang mas matanda sainyo ng anak ko?” Narinig kong tanong ni Mommy kay Val at Boss Blake. “30 years old pa lang po ako, mas matanda kasi ako sa asawa ko..” pag sagot ni Boss Blake. “1 month na lang 35 na ako mom..” sagot ni Val, malaki ang agwat sakin ni Val dahil ako mag 27 na. “Love? Aalis muna ako..” paalam ni Boss Flame nilingon ko ito. Naka upo n