“OO, Lara. Siya nga. Siya si Attorney Fove, ang nagpopondo sa chapel at dito sa kumbento. Siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, operating pa rin dito.”Tuluyan nang naglakad palapit sa amin si Sister Siena. Kasama pa rin si Cindy.“Good morning, Attorney,” bati ni Cindy kay Attorney Fove. “Nagkita na po pala kayo. Siya po si Lara. Siya po iyong itinawag namin ni Sister Siena kaninang umaga.”Naramdaman kong nabaling sa akin ang atensiyon ni Attorney.“Cindy, isama muna si Lara pabalik sa kwarto. Mag uusap muna kami ni Attorney—”“No. Just let her stay. I want her present. Gusto kong marinig niya lahat ng pag uusapan natin tungkol sa kanya,” biglang sabi ni Attorney Fove.Hindi na nakatutol pa si Sister Siena.“S-Sige po. Lara, tayo na sa opisina. Cindy, bumalik ka muna sa loob. Maghanda ka ng makakain ni Attorney,” sabi na lang niya.Tumango lang si Cindy at naglakad na palayo. Lumakad na rin si Sister Siena palapit sa isang parang kwarto—iyon na yata iyong sinasabi niyang
Terakhir Diperbarui : 2025-04-07 Baca selengkapnya