Lumaki si Lara sa isang mahirap at magulong pamilya. Lasinggero ang ama, at madalang ang ina sa bahay dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pagkamatay ng ina dahil sa isang "aksidente," nagsimula ang kanyang paghihirap. Sa edad na 16, sinaktan siya at inabusong sekswal ng kanyang tiyuhin at pinsan. Ang pinakamasakit, pati ang ama niya na dapat ay maging sandalan niya, ay pinagtangkaan din siyang abusuhin. Dalawang beses siyang nagbuntis at nagpa-abort sa pamimilit na rin ng mga hayup na nang-abuso sa kanya. Sa edad na 18, tumakas siya at nagmakaawang makapasok sa kumbento. Doon niya aksidenteng nakita si Azrael Fove, isang mayamang abogado na "ninong" niya. Tinulungan siya nito at kinupkop. Nangako rin ito na proprotektahan siya at kailanman ay hindi nito uulitin ang ginawa ng mga lalaking sumalbahe sa kanya. Ngunit paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay malabag ng Ninong Azrael niya ang pangako nito at magbunga pa iyon ng isa na namang binhi sa kanyang sinapupunan? Paano kahaharapin ni Lara ang pagbabalik ng matinding takot na minsan na niyang kinasadlakan, matapos isang lalaki na naman ang dapat na proprotekta sa kanya ang siya pang muling nagwasak sa kaniya? At kahit pa sabihin niyang may namumuo na siyang pagtingin ko sa lalaki, paano niya pa rin niya haharapin ang katotohanan na magkakaanak na sila nito? Gayong bago pa siya pumasok sa buhay nito ay meron nang babae na mahal at nakatakda nang pakasalan nito?
View More“AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—”
*Pak!
Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya.
Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin.
“Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya.
Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto.
“Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?”
Umiling ako. Bigla ring kumalam ang sikmura ko, na-trigger yata sa tanong ni Ate Weng.
“Hindi pa, Ate, eh. Bente lang iyong baon ko kanina, minalas-malas pa na may ambagan ng twenty five pesos. Biglaan. Kaya hayun, wala na ngang nakain, nagkautang pa ako ng limang piso. Pambihira talaga,” reklamo ko.
Tinawanan lang ako ni Ate Weng pero hindi ko iyon pinansin. Alam ko kasi na sanay na siyang ganito ako dahil halos araw-araw kung magreklamo ako sa kanya. Siya kasi iyong hingahan ko ng mga problema at hinanakit ko sa buhay. Mas malapit na nga yata kaming dalawa kaysa kay Mama. At speaking of Mama…
“Ate Weng,” tawag ko sa tindera na ngayon ay abala pa rin.
“O?”
“Sila… Sila Mama. Kanina pa ba sila nag aaway ni Papa?”
Hindi agad siya nakapagsalita. Tumigil siya sa pag aayos ng mga bote ng alak pero hindi siya tumingin sa akin. Ewan ko, parang pinag iisipan niya pa iyong mga sasabihin niya o ano.
“Tingin ko, hindi naman. Kasi kagagaling lang dito ng papa mo mga limang minuto pa lang ang nakararaan,” sabi na niya mayamaya. Napatango ako. “Bakit?”
Hindi na ako sumagot.
Napatitig na lang din ako sa mga panindang tinapay ni Ate Weng. Ganoon din sa freezer nila na may lamang soft drinks at kung anu-ano pang mga juice. Parang naging malaking tukso iyon sa paningin ko at bigla akong nagutom lalo.
“Ay, teka. Oo nga pala, nakalimutan kong ikuha ka ng meryenda.” Nagmamadaling umalis si Ate Weng sa estante ng mga alak. Sinundan ko lang siya ng tingin. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang plato ng kanin at ulam. May kasama pang isang bote ng soft drinks. “‘Ayan. Kumain ka muna habang nandito ka. Para pag uwi mo, busog ka na. Duda ako na may pagkain na sa bahay niyo. Iyong papa mo kasi, mula umaga hanggang hapon eh nakatambay na rito kasama iyong mga barkada niyang puro mga sunog-atay at sunog-baga rin. Iyong mama mo naman, alam kong tulog sa araw dahil night shift sa trabaho niya, ‘di ba?”
Tumango ako bilang sagot tsaka ko siya nginitian ng tipid.
“S-Salamat po dito, Ate Weng, ha? `Buti pa po kayo, concerned kayo sa akin,” seryosong sabi ko. “Sigurado po ba kayo, hindi kayo ang totoong nanay ko?”
Matunog na tawa ang naging sagot ni Ate Weng. Umamba pa siya na hahampasin ako.
“Ewan ko sa iyong bata ka, oo! Kumain ka na nga lang diyan at nang mapawi na iyang gutom mo. Kapag kulang pa, magsabi ka lang. Huwag mahihiya, marami pa sa loob.”
Nagpasalamat ako ulit at pumikit na para manalangin bago kumain.
“Salamat po sa biyayang ito, salamat po at merong Ate Weng. Pagpalain Mo pa po siya para mas sumagana siya dahil deserve naman po niya. Salamat po ulit ng marami! Amen.”
Dumilat na ako at natatakam na tumitig muna saglit sa tumpok ng kanin at menudo. Lafang na!
Kontra sa sarap ng kanin at menudo ang nagsimulang tumakbo sa isip ko nang magsimula na akong kumain. Bumalik sa isip ko at parang paulit-ulit kong narinig doon ang pagsigaw ni Mama. At iyong sampal… na malamang ay si Papa ang gumawa.
Mula noong nagkaisip ako, wala na akong matandaang araw na lumipas nang hindi sila nag aaway. Magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay, imposibleng hindi nila iyon pagtalunan. Nauuwi pa nga sila sa pisikalan minsan. O madalas. At sa pag aaway nila na iyon ay mas lalo lang bumigat ang buhay namin.
Sa mga magulang ko, si Mama lang ang nagtitiyagang magtrabaho. Saleslady siya sa isang departament store, pero hindi pa rin sumasapat sa araw-araw naming pangangailangan ang maliit na buwanan niyang sahod. Lalo na at wala na ngang trabaho si Papa, laman pa siya ng inuman sa araw-araw na lang ng buhay niya. At oo nga pala, may kuya rin ako na bukod sa may sariling mundo ay wala na ring ginawa kundi ang humingi nang humingi kay Mama ng pera. Tumigil sa pag aaral sa edad na disinuwebe para raw magtrabaho na lang. Pero ang ending, ‘ayun. Tambay.
Kaya ako, kahit hirap na hirap na sa buhay ay handa pa ring magtiis makatapos lang ng pag aaral. Kung kinakailangan kong gumapang ay gagawin ko. Swerte na lang din ako dahil kahit papaano ay masipag si Mama. At merong akong Ate Weng.
“Hoy, Lara! T*ngina ka, `buti ka pa pakain-kain lang diyan! Umuwi ka na, kanina ka pa hinahanap ni Papa!”
Lumingun-lingon ako sa paligid para hanapin kung saan galing iyong boses. Si Kuya Leio iyon, sigurado ako.
“Nandito ako, tanga!” Biglang tumama sa ulo ko ang isang medyo matigas na bagay. Nang tingnan ko, sapatos ko pala iyon na iniwan ko kanina sa tabi ng pintuan nila Ate Weng. Galing iyon sa maliit na butas ng tindahan. Nandoon nga si Kuya Leio na nakatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata.
Tumayo ako at naglakad palabas para harapin si Kuya.
“Kuya—”
“O!” Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko dahil bigla na niyang hinagis sa akin ang dala niyang isang lata ng tuna. Buti na lang at nasalo ko iyon dahil kung hindi, malamang na bukol ang inabot ko. O baka pumutok pa ang noo ko dahil malamang na doon magla-landing iyong delata. “Ibigay mo iyan kay Papa. Kapag hinanap nila ako, sabihin mo hindi mo alam. Huwag mo akong ilalaglag, gaga ka. Makakatikim ka sa akin, sinasabi ko sa iyo!”
Yumuko ako at sinuot ang sapatos ko.
“Paano kita ilalaglag, eh hindi ko nga alam kung saan ka pupunta?” pamimilosopo ko.
Dumampot siya ng bato at akmang ihahagis na niya sa akin iyon nang tumakbo ako pabalik sa loob ng tindahan ni Ate Weng.
“O? Napaano ka?” Tumingin siya sa platong kinakainan ko. “`Tapos ka na bang kumain? Baka gusto mo pa, meron pa roon sa loob. Ikukuha kita—”
“Huwag na po, Ate Weng! Ano… Busog naman na po ako. Tsaka hinahanap na rin daw po ako nila Papa,” tanggi ko. Kinuha ko na lang iyong mga pinakainan ko. “Hugasan ko na po ito—”
“Huwag na. Ako na iyan. Umuwi ka na at baka madamay ka pa sa init ng ulo ng papa mo kapag natagalan ka. Sige na.”
Kinuha sa akin ni Ate Weng iyong mga pinagkainan ko.
“Salamat po, Ate Weng.”
Umalis na rin ako at naglakad pauwi sa bahay namin.
Pagbukas ko ng pinto, saktong bumungad sa akin si Papa. Magulo ang buhok niya at wala siyang damit pangtaas. Hawak niya sa isang kamay ang bote ng alak na halos kalahati na lang ang laman.
Nag alangan akong lumapit sa kanya pero ginawa ko pa rin dahil wala naman akong choice.
“P-Pinapabigay ni Kuya,” mahinang sabi ko sabay abot ng delatang tuna sa kanya.
Tinitigan lang ako ni Papa saglit bago niya inagaw sa kamay ko iyong tuna. ‘Tapos nilagpasan na niya ako at dire-diretso siyang naglakad palabas ng pinto.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala. Doon lang ako pumasok sa kwarto.
“Mama—” Kusa akong napaatras sa nakita kong ayos ni Mama. Nakasuot siya ng magkapares na underwear at kasalukuyan niya pa lang na sinusuot ang puting polo shirt na uniform niya sa department store na pinapasukan niya. Alam kong normal lang naman na magsuot ng underwear bago ang mismong damit. Iyon nga talaga ang purpose at kung bakit ito tinawag na “underwear” hindi ba? Pero ang hindi normal sa paningin ko ay iyong mismong underwear. Hindi iyon ordinaryong underwear lang. Ang suot ni Mama ay iyong tipo ng underwear na masyadong sexy at… malaswa. Nakalatag din sa papag ang iba pang damit na puro maiikli. Hindi ko alam na may mga ganoong damit pala si Mama.
Parang nagulat naman siya sa pagpasok ko dahil bigla siyang tumayo at natatarantang inipon ang mga nakalatag na damit.
"L-Lara, ano ka ba? Bakit bigla-bigla kang pumapasok? May kailangan ka ba? Anong—”
"H-Hihingi lang po sana ako ng pambili ng bigas, `Ma. Alam ko kasi na paalis ka na. Si Papa, lasing na naman at malamang ubos na iyong pera niya sa alak at pulutan,” paliwanag ko. “Mama, iyang mga damit na iyan? Kanino iyan?”
Tinuro ko pa iyong mga damit na ngayon ay yakap-yakap na ni Mama.
"A-Ano… W-Wala ito, anak. Huwag mo na lang intindihin.”
Siniksik niya sa isang sulok iyong mga damit tsaka niya kinuha iyong wallet niya. Kumuha siya ng one hundred pesos at inabot iyon sa akin.
“`Eto, bumili ka na ng bigas. Diyan ka na rin kumuha ng pambili niyo ng ulam. Iyong baon mo naman bukas—”
“Sabado po bukas, ‘Ma.”
Natigilan siya at napatingin sa akin.
“Oo nga pala.” Kinuha niya ang kamay ko at sinuksok doon ang buong one hundred pesos. “Sige na. Bumili ka na. Diyan ka na lang kanila Weng bumili para hindi ka na mapalayo.”
Tumango ako. Bago ako tumalikod, sinulyapan ko pa iyong tumpok ng damit na nakasiksik sa gilid.
Hindi rin naman nagtagal ang pagtitig ko roon dahil nagsimula na rin akong maglakad palabas ng maliit naming kwarto.
Malapit na ako sa tindahan ni Ate Weng nang marinig ko ulit ang boses ni Mama. Tinatawag niya ako.
“Lara!”
Lumapit ako sa kanya. Baka may nakalimutan kasi siyang sabihin o ipapasabay na bilhin. Pero pagkalapit ko, imbis na bilin ang marinig ko ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Mama sa akin. Sobrang ikinagulat ko iyon at hindi na halos ako makagalaw.
Hindi malambing na tao si Mama. Hindi siya showy. Hindi siya iyong tipo ng nanay na normal lang na yumayakap sa anak. Parang may kakaiba.
Sa ginawa ni Mama ay para akong naiyak na hindi ko maintindihan. Bumigat bigla ang dibdib ko, pero gumaan din iyon agad. Sobrang gaan.
Nagsisimula pa lang akong enjoy-in ang yakap ni Mama nang bigla na siyang bumitaw sa akin. Sunod niya namang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya rin ako nang diretso sa mga mata.
“Pag uwi ko bukas, magsho-shopping tayo,” aniya.
“P-Po?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang hirap maniwala. Kami, magsho-shopping? Paano? Eh, hirap na hirap nga kami sa buhay. Pambili nga lang ng pang araw-araw naming pangangailangan ay halos hindi na namin alam kung saan kukuhanin. Na-excite ako sa sinabi ni Mama pero nawala rin iyon agad. “Huwag na po, Mama. Itabi na lang natin iyong pera para may pambili tayo ng pagkain sa mga susunod na araw.”
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mama. Totoong ngiti iyon pero… malungkot.
“Ikaw talaga. Huwag mo nang alalahanin iyon. Basta, bukas pag uwi ko, magsho-shopping tayo.”
Niyakap niya pa ako ulit bago sinabihan na tumuloy na kila Ate Weng.
***
KINAGABIHAN.
Maaga akong natulog dahil gusto kong bumilis ang oras. Gusto ko nang mag umaga agad dahil gusto ko nang makita si Mama at gusto ko nang mag-shopping.
Habang tulog, siyempre ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga oras. Basta, nagising na lang ako kinaumagahan sa malalakas na katok at ingay na nanggagaling sa labas ng bahay namin.
“LARAAA! NANDIYAN KA BA SA LOOB?! GISING KA NA BA? LUMABAS KA RITO! LARAAA!”
Pupungas-pungas akong bumangon sa papag. Doon ko lang nakita na wala pa si Mama, si Papa, o kahit si Kuya.
Bumangon ako para pagbuksan ng pinto ang kung sinumang nasa labas.
Bumungad sa akin si Ate Weng kasama ang ilan pa naming mga kapitbahay. Lahat sila, hindi maipinta ang mga mukha. Para silang nag aalala na natatakot na hindi ko maintindihan. Bigla tuloy akong kinabahan.
“A-Ate Weng, bakit po? Ang aga niyo naman pong napasugod. Nagsama pa po kayo ng mga alagad,” nakangiting pagbibiro ko sa kabila ng nagsisimula nang pagkabog ng dibdib ko.
Pero imbis na gumanti ng biro si Ate Weng o tumawa ay lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Bigla niya ring hinawakan ang kamay ko, at dahil doon ay lalo akong kinabahan.
“A-Ate Weng—”
“LARA, ANG MAMA MO… W-WALA NA ANG MAMA MO. PATAY NA SIYA!”
PAG ALIS ni Manang Irina ay naligo na ako at nag ayos.Gaya ng sabi ni Azrael, casual clothes lang ang suot ko. Pero dahil gusto kong magpapansin, nag-decide ako na i-level up ang “casual.” Isang sky blue na dress at white na two-inches sandals ang sinuot ko. Nilugay ko lang ang buhok ko, naglagay ng kaunting makeup, at voila! Ayos na!Bago ako lumabas ng kwarto, nag-spray lang din ako ng perfume.Dumiretso na ako sa kusina at gaya ng sabi ni Azrael, nakahanda na ang almusal. Nakakagulat lang din ang dami ng mga pagkaing nakahain sa mesa. I mean, oo, marami naman talagang pagkain ang nakahain sa mesa pero iyong ngayon? Parang tumalon pa lalo sa higher level. Parang literal na may fiesta na.Nababaliw ka na ba, Lara? Malamang, birthday mo kaya may ganiyan. Surprise breakfast iyan sa iyo ng Prince Charming mo a.k.a si Azrael.Lihim akong napabungisngis. “Ano’ng… meron?” kunwari ay clueless kong tanong.Nalipat sa akin ang atensyon ni Azrael mula sa laptop niya.“Saan?” tanong din niya.
2 years later…NAALIMPUNGATAN ako dahil sa kung anong tumutusok sa pisngi ko.Mahinahon at dahan-dahan lang ang mga pagtusok na iyon, parang nilalaro lang ng kung sino ang pisngi ko. Sinundan pa iyon ng boses na hindi ko magawang kilalanin. Ni hindi ko rin maintindihan kung ano iyong sinasabi ng boses.“Hmm,” ungot ko lang at naiinis na pinagpag ang mukha ko para alisin iyong mga “tumutusok”. Bumalikwas din ako, pero hindi para bumangon kundi para dumapa at isubsob ang mukha ko sa unan. Effective naman dahil nawala na iyong nanggugulo sa mukha ko at iyong boses na hindi ko maintindihan.Napangiti ako at pinayapa ang sarili na makakabalik na ulit ako sa pagtulog. Pilit kong hinagilap sa isip ko ang panaginip kong naudlot kanina. Pero kung kailan nahanap ko na iyon, doon naman may biglang nagbuhos sa akin ng tubig. Malamig na malamig na tubig!“AAAHHHH!” tili ko at awtomatikong napatalon paalis sa kama ko. Pero dahil basa ako, padulas ang nagging pagbagsak ng paa ko sa tiles na sahig ng
“A-ANO’NG nangyari?”Gulat na lumingon sa akin si Ate Cindy at Ninong Azrael nang magsalita ako.“Salamat sa Diyos, gising ka na. Nag alala kami sa iyo kanina,” marahang sabi ni Ate Cindy. Nilapitan niya ako at saglit na niyakap. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang putting tela na nakatali sa braso ni Ate Cindy. Bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Mula sa pagsumpa ko sa mga labi ni Papa hanggang sa pagwawala ko. Hanggang sa pagkakita ko kay Ninong Azrael. “B-Bigla ka na lang nagwala kanina. Hindi naming alam ang gagawin, `buti na lang dumating si Attorney Fove.”Lumapit din sa amin si Ninong Azrael.“How are you feeling? Sorry for what I did earlier. I mean, the injection. Kinailangan ko lang gaiwn iyon para kumalma ka at makapagpahinga,” sabi niya.Bahagya lang akong tumango. “T-Thank you, Ninong. A-Ate Cindy, sorry. Sorry Talaga. Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta na lang—”“Tama na iyan. Baka umiyak ka na naman,” putol niya sa akin. Pinunasan niya ang mga pisngi ko g
SA kabila ng galit ko kay Papa ay pinilit ko pa ring pumunta sa burol niya.Noong una, hindi ko alam kung paano. `Buti na lang at hindi ako pinabayaan ni Ninong Azrael. Pinaasikaso niya lahat sa assistant niya at siniguro niyang wala na kaming proproblemahin pa ni Kuya Leio. Si Ate Cindy ay hindi rin ako iniwanan kahit saglit lang. At si Ate Weng, dumating din siya. Hindi pa rin nagbago ang tingin at pagtrato niya sa akin kahit mahigit dalawang taon na mula nang magkita kami at magkausap.Tatlong araw lang ang ipinasya naming burol ni Papa. Wala na kaming balak patagalin pa dahil wala naman siyang kamag anak sa malayo na hihintayin. Sa dalawang araw na burol ni Papa ay walang sandali na hindi ako umiyak—hindi dahil nasasaktan ako o nagluluksa sa pagkawala niya—kundi inaalala ko ang mga sinabi ni Ninong Azrael at ang magiging lagay ni Kuya Leio ngayong natuluyan nang mawala si Papa.“We don’t stand in a hundred percent chance, Lara. But if you would do as I say, I can guarantee na mas
MAHIGPIT ang hawak ko sa paper bag na kinuha ko mula sa kotse ni Ninong Azrael.Nandito ulit kami sa city jail kung saan nakakulong si Kuya Leio. Nasa loob na kami kanina, lumabas lang ulit ako dahil nakalimutan kong dalhin ang paper bag na naglalaman ng pagkain at ilang mga damit para sa kuya ko.Habang naglalakad ako pabalik sa loob ng bilangguan, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ninong Azrael. Tatlong araw na rin ang nakalilipas mula noon. Pumayag na rin naman ako sa suhestiyon na iyon ni Ninong. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Ayokong isipin na magsisinungaling ako sa batas at sa lahat ng mga taong sasaksi sa itatakdang hearing ni Kuya Leio; lalo na at gaya ng sinabi ni Ninong ay hindi pa rin kami makakatiyak na mapapawalang-sala na nga si Kuya sa oras na gawin ko ang pagsisinungaling. Pero… kung nakaya ni Kuya na kalabanin ang sarili naming ama para lang protektahan ako, walang bagay na hindi ko gagawin para siya naman ang matulungan ko. Isa
“HINDI mo dapat ginawa iyon, Kuya. Alam mo naman na kapag masamang damo, matagal mamatay. Masamang damo si Papa, Kuya. Masama siya.”Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakatulalang kausap si Kuya Leio. Nasa harapan ko na siya ngayon dahil matapos ang naging pag uusap namin ni Ninong Azrael kanina, inaya niya akong dalawin si Kuya sa kulungan at pumayag naman ako.Hindi nagsalita si Kuya Leio. Nakatitig lang siya sa mukha ko hanggang sa unti-unti siyang napangiti. Iyon ang klase ng ngiti na ngayon ko lang nakitang gumuhit sa mga labi niya. Noong mga bata pa kasi kami hanggang sa bago mamatay si Mama, sa tuwing nakikita ko si Kuya ay lagi siyang nakasimangot o galit. Wala pa akong matandaang kahit isang beses lang na naging sweet o malapit man lang kami sa isa’t-isa.“Lara… Masyado nang marami iyong pagkukulang ko sa iyo. Kapatid kita, nag iisang kapatid kita at babae pa pero wala man lang akong nagawa para maprotektahan ka. Imbis na ingatan kita at bantayan, ako pa iyong kauna-
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments