Nanlaki ang mata ni Reinella nang marinig si Reed. Lahat daw? Seryoso ba ito?"Lahat po ba ito, sir?" Tanong ng saleslady nang may malaking ngiti."Oo, lahat," sagot ni Reed habang itinuturo ang mga damit na pinagpilian ni Reinella. "Kasama na yung para sa mommy at daddy.""Kuya, huwag na lahat. Ang mahal masyado!" Hila ni Reinella sa braso ni Reed."Marami akong pera," mayabang na sagot ni Reed.Napa-ngisi na lang si Reinella sa sagot nito. Ang intensyon sana'y bilhan lang si Uno ng costume pero naunahan na siya ni Reed. Pero sige na nga, talagang maraming pera ang lalaki. Wala na siyang magagawa kundi sumunod."Kuya, bilhan mo na rin sila mama at papa," pakiusap ni Reinella.Tiningnan lang siya ni Reed. Gusto kaya ng daddy ni Uno na magsuot ng ganitong kakatwang costume?"Kuya, sige na. Para mas masaya pag naglaro tayo," masayang sabi ni Reinella.Naiimagine na niya kung gaano kasaya si Uno. Lalo na't mas interactive na ngayon ang baby."Bata ka pa talaga," bulong ni Reed.
Last Updated : 2025-05-12 Read more