Inayos ni Reinella ang dalawang plato ng kanyang nilutong fried rice sa mesa. Samantala, si Reed naman ay tahimik na nakamasid sa masarap na itsura ng pagkain. Amoy na amoy niya angmabangong aroma ng pagkain. "Kain na po tayo, Kuya," wika ni Reinella habang naglalagay ng tubig sa baso."Oo," sagot ni Reed bago sinimulang tikman ang fried rice. Gayundin si Reinella."Masarap po ba?" Kabadong tanong ni Reinella upang hindi masayang ang kanyang niluto at swak sa panlasa ni Reed.Kung sasabihing hindi masarap ang luto ni Reinella ay parang sinabi na rin na wala siyang panlasa. Dahil sa totoo lang, napakasarap ng fried rice na ginawa nito at hindi papahuli sa mga chef sa mansyon. Pasok na pasok sa panlasa ni Reed.Pero kahit ganon, hindi maamin ni Reed na ang sarap ng kinain niya."Masarap po ba talaga?" Patuloy na naghihintay si Reinella ng sagot. Para sa kanya, perpekto ang lasa at sakto sa panlasa. Pero syempre, iba-iba ang taste ng mga tao."Hindi masarap," sagot ni Reed at itin
Baca selengkapnya