SHANE POINT OF VIEW Everything is fine until Third came back to our life. Yung nananahimik kong mundo ay muling nagulo in a way na masaya na sana ako na wala siya at nakakaya ko nang mabuhay nq tanggap na hindi na kami magkikita pa pero heto, bigla siyang dumating. Naging mabilis ang mga pangyayari. Si baby Ali, agad niyang nakilala ang ama niya at wala na akong nagawa dahil nalaman na ni Third ang tungkol sa anak namin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Natatakot ako na maging mahina muli. Kapag malapit siya sa akin ay para bang lumiliit ang mundo ko. Pero ayoko rin naman na maging unfair sa anak ko. Nakita ko kung gaano siya kasaya nang makita ang ama niya. Yung klase nang kasiyahan na hindi ko kayang maibigay. Ang yakap niya sa ama niya. Yakap ng isang musmos na nangulila sa pagmamahal ng isang ama. Natatakot man ako pero mas nangingibabaw ang kasiyahan ko. Alam kong galit si Third sa akin dahil wala siyang kaalam-alam na may anak kaming muli. Hindi ako natatakot sa
続きを読む