SHANE POINT OF VIEW. Nagising na lang ako isang araw at bigla na lang bumait sa akin si Third. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla na lang siyang bumait sa akin. Hindi na niya ako sinisigawan, hindi na niya ako sinusungitan. Palagi na niyang tinatanong kung ano ang nararamdaman ko, kung may masakit ba sa akin o ano. Kung ano man ang nangyari sa kaniya at kung bakit ba siya biglang bumait ay isa lang ang masasabi ko. Salamat naman. Salamat naman dahil mukhang na-realise na niya na hindi ko naman ginusto na ipagpilitan ang sarili ko sa kanila. Na kung hindi niya ako binuntis-buntis ay malamang sa matutupad ko ang pag-aaral ko sa ibang bansa. Sa totoo lang, masakit sa akin na hindi ako tumuloy sa pangarap ko at hindi pa ako handa na maging isang ina pero dahil sa pagmamahal ko kay Third ay pilit kong kinakaya kaya naman ang dalangin ko ngayon ay sana magtuloy-tuloy na ang pagiging mabait niya sa akin. "Wake up, Shane! The breakfast is ready. Tara na kumain ka na ng al
Last Updated : 2025-10-27 Read more