Mahigit isang oras nang nawawala si Aviannah.Matapos kausapin ni Andrei ang kanyang ina, agad niyang sinundan si Aviannah sa loob ng bahay. Ngunit nakapagtatakang wala ito sa sala, sa silid nito, sa garden, o sa kahit saang bahagi ng bahay.Unti-unting lumipas ang mga minuto. Hanggang sa tuluyan nang mag-panic ang lahat.“Na-check na ba ang buong bahay?” tanong ni Andrei habang mabilis na naglalakad sa hallway.“Oo, boss. Pati ang garden, service area, at rooftop, wala rin siya,” sagot ni Rome.Napahawak si Andrei sa kanyang noo. Hindi puwedeng basta mawala si Aviannah. Lalo na pagkatapos ng nangyari sa Mindoro.Naalala niyang si Vangie ang huling nakita niyang kasama ni Aviannah nang pumasok ito sa loob ng bahay.“Nasaan si Yaya Vangie?”“Bukod kay Aviannah, ay nawawala rin siya,” sagot ni Rome na ikinatigil ni Andrei sa paglalakad. “Posibleng… pareho silang kinuha pero posible ring…” Hindi maituloy ni Rome ang nais niyang sabihin.Ayaw nilang mag-isip ng masama sa ginang pero…“And
Read more