Agad na tumayo si Aviannah mula sa kanyang kinauupuan nang makita niya ang pagdating ng taong kanina niya pang hinihintay. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa kaba na baka pati ang matanda ay galit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling at panloloko rito. Lalo pa at alam na nito ngayon ang lahat ng katotohanan.“Kanina ka pa ba rito, hija? Pasensya ka na at na-traffic kasi ako eh,” bungad na sabi sa kanya ni Mang Gener. Ang matandang minsang nagligtas sa buhay niya na siyang kahit na kailan ay hinding-hindi niya malilimutan.“Hindi po, lolo. Okay lang po. Halos kadarating ko lang din naman po rito,” magalang na tugon naman niya rito.“Oh, siya sige at maupo na tayo,” marahang sabi ng matanda sa kanya na kaagad naman niyang sinunod.“Uhm, order na po muna tayo ng makakain, lolo?” pagkuwan ay mabilis na tanong niya pa sa matanda pagkaupo niya saka siya mabilis na nagtaas ng kamay upang tumawag ng waiter sana, pero kaagad naman siyang inawat ng matanda.“Okay lang, hij
Last Updated : 2025-10-23 Read more