Tahimik ang conference room ng Tuazon Build & Design. Nakaharap si Andrei sa maliit na grupo ng mga taong nagtatrabaho para sa kanya. Hindi sila malaking kompanya. Wala silang dose-dosenang executives o malalaking board members. Ang naroon lamang ay ang mga taong pinagkakatiwalaan niya—si Rome, ang operations coordinator ng kompanya, si Attorney Benedicto, ang retained legal counsel nila, si Marlon, ang finance officer, at si Denise, ang business development manager.Nakatutok ang lahat sa financial reports na naka-project sa screen.“Sir,” panimula ni Marlon, “na-review na namin ang financial records ng Madrigal Pharmaceuticals.” Tumango si Andrei. “Ang problema nila ay hindi lang simpleng kakulangan sa pera,” pagtutuloy ni Marlon saka nito nilipat ang slide. “Nagkaroon sila ng malaking cash flow problem. Delayed ang bayad sa suppliers. May recall issue sa isang product line nila. At natigil ang expansion project nil
Read more