CHAPTER 96: I WANT YOUR DAUGHTER, SIR "Daddy, secretary ko po si Vladimir, hindi taga-linis!" mabilis na putol ko at nilapitan si Vladimir habang nakakuyom ang kamao. Kumirot ang dibdib ko nang yumuko lang siya. Iniwasan niya ang titig ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Ayaw kong ginaganito lang siya ni Daddy! "Vlad, hubarin mo 'yan! Hindi ka magiging clea—" napatigil ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Seryoso ang mga mata niya. "I want to work here, Reina," marahan ang boses niya bago napalitan ang ekspresyon niya. Pumungay ang mga mata niya at nakita ko ang pagod roon. Alam kong puyat siya dahil may trabaho siya tuwing gabi. Tapos maaga siyang pumupunta rito para lang sa akin. Para samahan akong magtrabaho at alagaan ako! Nanliit ang nanunubig na mga mata ko. "Work?! Bakit sabi ni daddy, libre 'yong trabaho mo? Work ba 'yon, Vlad?! Magpapagod ka para sa wala?" hindi ko mapigilang sigawan siya para magreklamo. Naipon na ang galit ko kay Daddy Dimitri. Sobra na a
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya