CHAPTER 114: MOTHER'S TOUCH "Welcome home, Rei!" Awtomatiko akong napatakip ng bibig dahil sa pagkabigla nang bumungad sa akin ang pagbati ng pamilya ni Lei. Naroon ang mommy at daddy niya na na-meet ko na noong Elementary pa lang kami. At iyong Ate niyang palagi niyang kinu-kwento sa akin pero ngayon ko lang nakita sa personal dahil parati siyang busy. "Thank you po!" naiiyak na pasasalamat ko at kaagad na pinahid ang sulok ng mga mata ko. Nangako ako sa mga taong nag-alaga sa akin sa Hospital na mas magiging matatag na ako! Hindi na dapat ako umiiyak sa ganitong kababaw na dahilan. "It's okay, hija! You must be surprised!" Nilapitan ako ng mama ni Lei na magaang niyakap ako. Kaagad akong nagtago sa balikat niya at dinama ang mainit na yakap niya sa akin. Iba talaga siguro kapag lumaki ka sa pamilya na warm lang at soft spoken. Kaya siguro sobrang bait lang ni Lei! "It's nice to see you well, Rei," bati naman sa akin ng Ate ni Lei na si Ate Lorelei dahilan para lumawak ang n
Last Updated : 2025-10-13 Read more