CHAPTER 109: HIS EVERYTHING "Rei, stop it..." Kaagad akong napanguso nang may kumuha sa baso ng alak na in-order ni Erica para sa akin. Napatingala ako at hinabol iyon ng tingin. "Ba't ka naglalasing, Rei?" nag-aalalang tanong ni Lei at inalalayan niya ako nang kamuntikan akong matumba dahil bigla akong tumayo. Medyo nahilo ako! Lasing na ba ako agad? Maaga pa, ah? "Lei?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at napayakap ako sa leeg niya. Napangisi ako para tuksuin siya. "Bakit ka nandito, hmm?" Napahagikgik pa ako habang pinipilit na palakihin ang inaantok na ang mga mata ko. Bukas ang first day ng Final exam week namin sa First Semester. Alam kong masipag siya mag-review. Hindi tulad ko na mas pinili na lang na magpakasaya kaysa magmukmok na naman sa kwarto. Hindi rin kasi ako makakapag-review kaya dito na lang ako! Magpa-party na lang kaysa umiyak mag-damag kasi ang hirap hirap 'niyang' kalimutan! "Obviously, he's worried about you, Reina!" rinig ko ang halakhak ni Eric
Last Updated : 2025-09-30 Read more