“Kamusta ka naman?” May pag alala sa mata ni Karina. Malulungkot kasi siya na nadamay pa si Cormac sa problema niya. “Don't worry about me, magiging maayos din ako. Hindi naman tumagos sa utak.” Nagawa pang mag biro ni Cormac. “Alam mong delikado na ang sitwasyon ko. Siguro mas mabuting wag mo nalang isali sarili mo sa problema ko, maging sila. Sapat nang ako lang ang nasasaktan. Hindi ko kayang makita na may ibang nasasaktan.” Napabuntong hininga si Karina. ”Kakayanin ko 'tong mag isa. Kakausapin ko na 'yung abogado nila mommy tutal si Renan hawak na siya ng kapatid mo, si tiyo Edgar na lamang ang huhulihin."“Gusto kong makialam Karina kaya wag mo akong pigilan.”Dalawa lang sila sa silid dahil umuwi na muna ang lahat kaya naman nakakapag usap sila. “Imbis na si Hazel ang inaatupad bakit ako pa? Bakit problema ko pa? Sapat na sa akin ang mga naitulong mo, at kung gusto mo maaari ko kayong tulungan ni Hazel na magka ayos.” Napatitig sakaniya si Cormac. “Iyon ba talaga ang gusto m
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya