“Lord G, wala kana namang maid?” Tanong ni Alas ng papuntahin n'ya ito sakaniyang bahay. “Gaya ni Ronald gusto din akong utakan ng babaeng 'yon. Anong balita kay Mr, Ching?” Tanong niya upang maiba ang topic. “Binigyan tayo ng tatlong araw Lord G, pero sa tingin ko bukas lang makukuha na namin ang mga itinagong baril ni Ronald.”Napatango siya. “Sige mabuti naman, balitaan mo nalang ako kapag ayos na lahat. Ikaw narin sumama sa mga magiging operation para hindi pumapalpak. Wala ka naman ng babantayan sa mga kapatid ko lahat sila tahimik na sa mga buhay nila.” “Masusunod Lord G,” sagot ni Alas bago nag paalam na. Napabuntong hininga na lamang si Gunner. Isang linggo siyang hindi nakakadalaw sa kahit na sinong kapatid n'ya, busy siya sa mga transaksyon. Sinisigurado rin n'ya na walang trahidor na makakalusot sakaniya. Ngunit ng malaman niya na nasa panganib si Cormac ay agad niya itong pinuntahan. Pint*y n'ya si Edgar na tiyo ni Karina. Mamaya naman ay dadalawin n'ya si Karina na na
Huling Na-update : 2025-06-26 Magbasa pa