Napangiti si Karina bago lumabas sa kwarto, mas maayos na ngayon ang pakiramdam niya kumpara nung una niyang makita si Cormac. Ngayon kahit paano nagagawa na niyang ngumiti at tumawa. “Dinner is ready, maupo kana.” “Pasensya kana hindi ako makatulong dahil may benda pa itong paa ko. Kapag gumaling na ay maari nang ako ang mag handa nang pagkain at mag linis.““Sanay na ako sa ganitong gawain dahil mag isa lang naman ako dito sa bahay, so no choice ako kundi gumalaw kusa. Huwag kang mahihiya kailangan mong mag palakas, at kapag handa kana makikinig ako sa mga kwento mo.” Gumagaan ang pakiramdam ni Karina sa binata dahil sa marunong itong makiramdam at alam nito kung paano s'ya kakausapin. “Ang totoo sinadya kitang banggain sa hospital. Gusto kong magsalita ngunit inunahan ako ng kaba iniisip ko kasi na bawat taong nasa paligid ko ay sasaktan lang din ako.” Panimula ni Karina. Nakatitig naman sakaniya si Cormac. “Si Edgar s'ya ba 'yung tito mo na kasama mo sa hospital? S'ya ba 'yu
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya