Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan. Simula kasi ng tapatin ni Jeraldine kanina si Dawson ay hindi niya ito kinakausap kung hindi naman kailangan. Trabaho lang talaga ang dahilan ng pagtitiis niya. Kinamumuhian pa talaga niya si Dawson. Hindi pa niya kayang mapatawad ang binata. "Good evening Mr, Cervantes." Bati ni Mr, Tan. Tumayo din ang anak nitong si Lydia at hinagkan bigla si Dawson na hindi man lang ikinagulat ni Jeraldine. Bakit naman siya magugulat? Kanina lang habang kausap niya sa telepono si Lydia upang i-move ang meeting ay halata sa boses nito ang pagka sabik kay Dawson. "Kanina pa kami naghihintay." Wika pa ng maarteng dalaga. "Ms, Secretary next time be on time. Kasi inagahan ko ang meeting di'ba?" Pagtataray ni Lydia sakaniya. "Pero Ms, Lydia si Mr, Tan mismo nag pa move by 6PM.""Yah, sorry anak. Pasensya kana hija sa anak ko. Hindi ko kasi nasabi." "Ayos lang po." Magalang na sagot ni Jeraldine bago sana u-upo na dahil s'ya ang may hawak sa mga papers na k
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya