Nasa duty pa si Sol ng mag ring ang phone n'ya. Agad niya itong tinignan at nakitang tumatawag ang kaniyang ina."Hello, mom? Nasa work pa po ako." "I know, sorry pero kasi your dad wants to talk to you anak." Mahinahon ang boses ng kaniyang ina. "Maari kabang mag off nang maaga? Please for your Dad, hija." Pakiusap pa nito. "Sige po I'll try, mom." Sagot niya bago ibinaba ang tawag. Napasandal si Sol sakaniyang upuan at napahilamos. Puyat siya dahil wala pa siyang pahinga simula kagabi. Madami kasing isinusugod sa emergency kaya naman ayaw niyang umuwi agad. Ngunit wala siyang choice ngayon but to go home. "Oh? Uuwi kana?" Tanong ng kasamahan niyang doctor na si Enzo. "Yes doc, may emergency sa bahay eh. Sensya na bawi ako next shift." "Ayos lang, you need to rest haggard kana. Mamaya ikaw pa mapano kakaduty mo ng walang pahinga. Uwi na Ms, Pretty see you tomorrow." "See you doc." Napangiti si Sol. Crush kasi n'ya si Enzo kaya lagi siya kinikilig kapag tinatawag siya nitong
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya