"Dorothea anak makilala mo na ang papa mo." Karga ni Jeraldine ang anak niya habang hinehele ito upang patulugin. Malapit na kasi ang oras ng usapan nila ni Dawson. Inaasahan niyang mag ki-kita na lamang sila sa lugar na kanilang napili. "Dada.." "Opo, si Dada makikilala na ni Dorothea." Pag kausap pa niya sakaniyang anak. "Ma, may milk pa naman po si Dorothea?""Marami anak, dinala ni Ace. Padala daw ni Malia.""Ang babaeng 'yon talaga. Pakisabi po na kapag tumawag ay wag na siyang mag alala. Ayos na po ang lahat." "Ang papa mo anak hindi gusto ang ideya mo." Malungkot ang kaniyang ina. "Po? B-Bakit daw po?""Kausapin mo nalang anak." Kinuha ng kaniyang ina si Dorothea kaya napuntahan niya ang ama niyang nasa labas nakatanaw lang sa kawalan. "Papa." "Hindi na ba kita mapipigilan?" Ito ang bungad na tanong ng kaniyang ama. "Pa, hindi nyo po ba nais na makilala ni Dorothea ang ama n'ya? Ayaw ko naman pong lumaking broken si Dorothea. At papa pinatawad ko na po si Dawson.""Pero
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya