KABANATA 101 Bawat pagkakataon na nagsusuot ako ng magandang gown, ayos ang buhok, at naka-makeup, pakiramdam koây ibang tao ako â isang taong kayang gawin ang imposible. Oo, ako si Elara Lhuillier â anak ng isang bilyonaryong pamilya, ngunit pinalaki sa isang simpleng pamumuhay. Bumukas ang pinto ng event, at naka-link ang braso ko kay Nathan Anderson. Ramdam ko ang kaba sa gabing ito, sapagkat ito ang unang pagkakataon na makikita kami sa publiko â magkahawak ang kamay. Noon, palaging lihim ang relasyon namin. Iilan lang ang nakakaalam. Ang unang kasal namin, pribado. Ang pangalawa naman, pamilya at piling kaibigan lang ang dumalo â iyon ang gusto namin. Pero ngayon, ibang usapan na ito. Ito ang unang pagkakataon na makikita kami ng lahat â lalo na sa telebisyon. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang magsimulang kumislap ang mga camera sa direksiyon namin. Naramdaman kong hinila ako ni Nathan palapit sa kanya, at marahang hinimas ang braso ko â parang sinasa
Last Updated : 2025-05-02 Read more