NAGTANONG-TANONG si Saskia sa mga taong naroroon sa terminal kung paano siya makakarating sa Maynila at kung saan siya sasakay. Mabuti na lang at mababait ang napagtanungan niya, kaya masaya siyang sumakay ng bus patungong Maynila ng walang pag-aalinlangan.Pagbaba niya ng bus sa huling terminal, ay lumapit siya sa isang pulis na nakabantay sa gilid ng kalsada.“Sir, pwede ko po bang mahiram saglit ang cellphone ninyo? Kailangan ko lang po kasing kontakin ang pamilya ko para masundo ako rito. Wala po kasi akong dalang cellphone, eh,” pakiusap niya.Tiningnan muna nito ang kabuuan niya at saka siya tinanong. “Bakit mo sila kokontakin? Sa anong dahilan?” tanong nito sa mapanuring tingin.Hindi niya alam kung ano ang isasagot, alangan namang sabihin niya rito na na-kidnap siya at nakatakas lang. Ayaw niya ng maraming tanong at komplikadong sitwasyon, kaya nag-isip na lang siya ng pwedeng isagot.“Ahm, galing po ako sa ibang lugar, at hindi ko na po alam ang pauwi sa ‘min, kaya kailangan k
Last Updated : 2025-05-18 Read more