KATING-KATI na ang dila ni Saskia na itanong kay Weston kung may relasyon ba ito at ang kasama nitong babae na si Jamila, at kung ano ba ang ginawa ng mga ito sa halos walong oras na pagsasama sa loob ng kanilang silid.Pero naisip niyang masyado pang maaga para magtanong dito, at isa pa, naroroon pa ang babae, baka makita pa nito kung paano siya pagalitan ni Weston, nakakahiya iyon sa parte niya. Baka pagtawanan pa siya nito kapag nagkataon.Wala nga siyang ideya kung magkasama rin ba itong natulog. Doon pa lang, ay masakit na masakit na iyon sa kanyang damdamin. Parang hindi niya kayang tanggapin na may nakakatabi ng ibang babae si Weston sa kama, na may iba na itong hinahalikan at…“Saskia! Ang niluluto mo, nasusunog na! Kasasabi ko lang, eh!” sigaw nito sabay lapit at pinatay ang stove.Nahintakutan naman siya, di yata’t naglakbay ang isip niya kaya nakalimutan niya ang kasalukuyang ginagawa.“I’m sorry, ako na lang ang mag-aayos nito,” hinging paumanhin niya.“Alam mo, magpasalama
Terakhir Diperbarui : 2025-05-24 Baca selengkapnya