PAALIS na sana ang mag-ina na sina Karla at Katrina pagdating ni Weston sa bahay ng mga ito. Mabuti na lang at hindi pa nakakaalis ang mga ito. Agad na bumaba sa sasakyan si Katrina matapos makitang papasok ang kanyang sasakyan sa gate.“Honey!” masayang pagsalubong nito sa kanya sabay yakap at halik sa kanyang mga labi.“Akala ko hindi ka na pupunta rito, akala ko, nakalimutan mo na ‘kong bisitahin,” nakalabing sambit pa nito.“Pwede ba ‘yon? At saka, sinabi ko naman sa ‘yo ang dahilan, ‘di ba?” sagot niya rito.“Oo nga! Hindi lang talaga ako makapaniwala na naririto ka ngayon. Iyon nga lang, hindi mo na naman kasama ang pamilya mo. Pero okay na rin ito, atleast, may dumalaw kahit ikaw lang mag-isa.”“Hayaan mo na muna ang pamilya ko. Alam mo naman, may ibang mga bagay din silang pinagkakaabalahan.”“Sabagay,” kibit-balikat nitong tugon. “By the way, pupunta pala kami ngayon sa bahay bakasyunan ni Daddy. Siguro ko, roon na muna kami maglalagi ni Mommy hanggang sa dumating ang oras ng
Last Updated : 2025-07-02 Read more