“AHM, TITA, TITO, bakit po pala hindi ninyo kasama sina ate Gladys at Gerald? Matagal ko nang napapansin ‘yon. Simula yata nung mga panahon na pinupuntahan ninyo ako sa bahay, ay hindi pa sila nakakasama,” tanong ni Katrina kapagkuwan.Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nakasandal ito sa kanya at nakaangkla ang braso sa braso niya. Kanina pa niya ito gustong itulak at ingudngod sa inaapakang sahig, naiinis siya sa sobrang pagkakadikit nito sa kanya. Habang ang mga magulang nila ay nasa harapan nila, at nakaupo sa magkahiwalay na mahabang sofa.“Alam mo naman ang ate Gladys mo, hija. Masyadong mahiwaga ang mga ikinikilos. At kapag wala iyon sa mood sumama, hindi mo iyon mapipilit. Si Gerald naman, alam mo naman ang pinagdadaanan ng batang iyon, ‘di ba? Kaya hinahayaan ko na muna silang mag-ina na nagmukmok sa mansyon,” kunwari’y paliwanag ng mommy niya.“Sabagay.”“By the way, Weston. Ang gusto kasi nitong unica hija namin na venue para sa kasal ninyo ay sa Balesin Island Club, o k
Last Updated : 2025-07-07 Read more