ALYJAH POINT OF VIEW Napatayo ako at nanlalaki ang mga mata, hindi ako makapaniwalang si Ely ang nakikita ko na nanggaling doon. Napasabunot ako sa aking buhok habang nagpalakad-lakad. Nang tumayo ako sa may pinto kung nasaan si Ely. "Oopps, saan ka pupunta? Don't tell me gigisingin mo si Ely at susumbatan?" pigil sa akin ni Aiden nang akma kong bubuksan ang pinto. Nag-aapoy ang aking mga mata na napatitig sa kanya. Pakiramdam ko ay umuusok ang aking ilong. Tama sila, nasasaktan akong si Ely ang babae ni papa, pero mas nananaig ang galit sa sistema ko. "Bitiwan mo ako," anas kong galit at napabaling ang nag-aapoy kong titig sa kamay ni Aiden. Hindi ko makontrol ang sarili ko, baka sila pa ang mapagbuntunan ko ng galit ko kapag hindi ko nailabas iyon. Bullshit! Bumilis ang pagtahip ng aking dibdib dahil sa galit. Naitukod ko ang aking noo sa may pinto. At paulit-ulit kong iniuntog ang ulo ko sa pinto. "Watch till the end, Ali. Bago mo pa man masaktan ang asawa mo!" ika ni Hero
Terakhir Diperbarui : 2025-04-26 Baca selengkapnya