ELYSSA POINT OF VIEW Wala akong nagawa kundi ang kausapin si Ashley at ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Hindi nga lamang buo at may lamang kasinungalingan ang sinabi ko dahil ayokong masaktan siya lalo. "Ate, sasama na lang ako sa inyo ni Kuya. Pangako, hindi ako magpapasaway," pakiusap niyang dumudurog sa puso ko. Hinila ko si Ashley para yakapin. Hinagod ko ang likod niya nang magsimula na siyang umiyak. Pati ako ay lumuha na dahil nahihirapan na rin sa sitwasyon "Shhhh, baby, alam mo naman ang work ni ate hindi ba? Mag-iipon lang si ate tapos kapag may pera na, kukunin kita para magkasama na tayo," saad kong pinigilang mapahikbi. "May pera naman si kuya, bakit ka pa magtatrabaho?" Napailing ako kahit hindi naman niya nakikita. Nakukunsensiya dahil hindi naman sa trabaho ang dahilan para iwanan ko si Ashley sa poder ng tunay niyang ama. Nanginig ang labi ko habang pinipigilang mabulalas ang iyak. Hindi dapat malaman ni Ashley na nasasaktan akong mawalay sa kanya. Hindi da
Terakhir Diperbarui : 2025-05-03 Baca selengkapnya