Babaeng Nakamaskara Point of View "Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Mamang sa akin. Kasalukuyang nasa lihim kaming silid sa kanyang club. "Baka lalo ka lamang mapahamak," ika niya pa na ginagap ang aking kamay. "Ayokong may mangyari sa iyong masama." Puno ng determinasyon ang mga mata kong tumitig sa kanyang mga mata. Alam kong padalos-dalos na naman ako sa aking desisyon, at sa hiling ko na gawin niya para sa akin. Subalit kailangan kong gawin ang bagay na iyon, para sa ikakatahimik ko, dahil kung hindi ngayon, baka wala na akong tyansa para malaman ang totoo. At kung anong kinalaman ng taong iyon sa nangyari sa nakaraan. "Desidido na ako, Mamang. Huli na ito." Napatitig sa akin si Mamang nang matagal bago bumuga ng hangin at napailing na lang, alam niyang hindi na niya mababago ang isip ko. Hindi ako aatras, kailangan kong harapin ito ngayon. "Kung kailangan mo pa ng tulong, tumawag ka agad. Heto ang numero ng kuwarto." Malungkot na inabot ni Mamang sa
Terakhir Diperbarui : 2025-05-03 Baca selengkapnya