Sumapit na ang alas-dyes ng gabi kaya nagpasya na ang lahat na pumasok sa kani-kanilang mga kwarto upang makapagpahinga, dahil maaga pa silang aalis bukas. Pagiwang-giwang pang naglakad si Hugo papunta sa kwarto nila ni Veronica. Bago magpaalam si Veronica kay Hugo ay sinabi n nito agad kung saan sila matutulog ngayon, dahil si Vhea ay nasa kabilang kwarto kasama si Little Berry. Pagdating niya sa kanilang kwarto, madilim kaya pinindot ni Hugo ang switch. Dumiretso na siya papasok sa kwarto upang makapagpahinga na rin, ngunit napansin niyang wala ang asawa at hindi man lang nagalaw ang kama. He looked in the bathroom, balcony, living room—everywhere. But there was no trace of her. "She's not here?" he uttered, then went out to check the other room. He carefully knocked on the door, baka kasi magising ang bata. Ilang katok pa ang ginawa niya bago buksan ni Vhea ang pinto, habang kinakamot pa ang mga mata. "Kuya, I thought sa kabilang kwarto kayo ni Ate?" usal ni Vhea. "W
Last Updated : 2025-09-11 Read more